NAGA CITY – Isa sa problemang kinakaharap ng Naga City hanggang ngayon ay ang basura, ito ay sa kabila ng mga aktibidad at programang ipinatutupad ng Solid Waste Management Office, hinggil sa tamang pagtatapon ng basura at segregation nito.
May ilang insidente ng pagtatapon ng basura sa karatig barangay na naipo-post pa sa social media, tulad ng sa facebook account ng barangay
Ito ay nakarating na rin sa kaalaman ni Liga President Corazon Penaflor ng Barangay Calauag at nabanggit niya na problema rin nila dahil sa may mga basura ding itinapon sa kanila na galing sa ibang lugar.
Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News FM Naga kay Peñaflor, sinabi nito na may plano na siya kung papano masulusyonan ang problemang ito, na matagal na nilang pinapasan na hindi basta-basta nabibigyan ng atensyon dahil na rin sa may iba pa silang problemang inaaksyonan.
Anya’y, dumami ang populasyon sa Naga City, kaya dumami rin ang mga basura sa lungsod, isama pa ang hindi maiiwasang pagtatapon ng basura galing sa Camaligan o kaya sa Canaman na malapit lamang sa kanilang barangay.