PRO2, nakapagtala ng higit P600K na SDP sa buwan ng hunyo

𝗣𝗥𝗢𝟮, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝟲𝟬𝟬𝗞 𝗡𝗔 𝗦𝗗𝗣 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗨𝗡𝗬𝗢 Nakapagtala ang Police Regional Office 2 (PRO2) ng nasa kabuuang P629,594 na Standard Drug Price (SDP) para sa buwan ng Hunyo.

Sa datos na inilabas ng PRO2, umabot sa 52 na operasyon ang isinagawa ng ahensiya kung saan 59 ang matagumpay na na-aresto.

Sa bilang na ito, nasa 90.44 grams ang nakumpiskang shabu habang nasa 121.68 grams naman sa marijuana.

Ang naturang datos ay base sa mga impormasyong naitala mula unang araw ng Hunyo hanggang ika-30 ng kaparehong buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *