𝗞𝗜𝗖𝗞 𝗢𝗙𝗙 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬 𝗡𝗚 𝗣𝗖𝗥 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝗖𝗘𝗟𝗘𝗕𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝟮 Inilunsad ng Police Regional Office 2 ngayong araw ang 29th Police Community Relations Month na may temang “Ligtas Ka sa Bagong Pilipinas,” kasabay ng traditional flag raising ceremony.
Pinangunahan ito ni POLICE BRIGADIER GENERAL CHRISTOPHER C BIRUNG, PRO2 Regional Director at nagsilbing panauhing pandangal si Regional Director Ramon M Rañeses, MNSA, CESO IV, ng National Police Commission Regional Office 2.
Kinilala ni Director Rañeses ang sakripisyo at dedikasyon ng mga kapulisan upang matiyak ang katahimikan at seguridad ng mga mamamayan.
Hinikayat din nito ang kapulisan na panatilihin ang pinakamataas na integridad at propesyunalismo sa paggampan ng kanilang tungkulin.
Kinilala din sa programa kaninang umaga ang limang pulis na tumanggap ng Medalya ng Kagalingan na kinabibilangan nina PMaj Arnel Acain; PMaj. Ranulfo Gabatin; Police Corporal Jerry S Elarde Jr.; Police Corporal Oliver B Ramirez; and Patrolman Ryan L Rodriguez.