𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗠𝗔𝗠𝗔𝗬-𝗔𝗥𝗜 𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜-𝗗𝗘𝗟𝗜𝗩𝗘𝗥𝗬 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞𝗦, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗥𝗘𝗛𝗜𝗦𝗧𝗥𝗢 Hinikayat ng Department of Agriculture Regional Office 2 ang mga business owners na nagmamay-ari ng mga agricultural delivery trucks na magrehistro sa Foodlane Accreditation Program.
Ito ay upang makakuha sila ng exemption sa pagbabayad ng toll rate dahil ito ay programa ng DA katuwang ang DILG, PNP, Metropolitan Manila Development Authority at agri-food sector.
Ipinaliwanag ni Regional Executive Director Dr. Rose Mary Aquino na layunin ng naturang programa maging maayos ang distribusyon ng agricultural at agri-fishery products.
Nagpapatuloy naman ang isinasagawang accreditation ng Agribusiness and Marketing Assistance Division sa rehiyon dos upang ma-avail ng mga delivery truck owners ang kanilang rebates.
Kinakailangang mag-apply muna ang mga agri-trucks upang makakuha ng rebate, maging accredited ng DA ay mayroong valid Autosweep o Easytrip RFID Accounts.
Nakarehistro at walang complaint na kinakaharap ang mga aplikante, ang mga traders ay dapat mayroong handler’s license at accreditation bilang pre-requisite na maaprobahan ang kanilang foodlane accreditation.