Itinalaga ni Pope Francis ang 64-anyos na si Fr. Rafael Cruz bilang bagong obispo ng Diocese of Baguio.
Si Cruz ay pari ng Archdiocese ng Lingayen-Dagupan, at isa rin sa mga vicar foranes sa archdiocese.
Siya ay naordinahan bilang pari noong Setyembre 1985 at kasalukuyang kura paroko ng St. Ildephonse Parish sa Malasiqui, Pangasinan.
Mula noong 2022, siya ay naging miyembro ng Permanent Committee for the Protection of Minors ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.
Siya ngayon ang magiging pangatlong obispo ng diocese.