Primera klaseng evacuation center sa Olongapo, bubuksan na bukas

Kakayaning mag-akomoda ng hanggang isanlibong indibidwal ang bagong tayong evacuation center sa Olongapo.

Ito ay base sa pagtataya ng City Social Welfare and Development Office na mamamahala sa gusali.

Ayon kay Cswd Officer Jun Pascua, katumbas ng higit isandaang pamilya ang puwedeng kupkupin sa pasilidad sa oras na may kalamidad gaya ng bagyo at pagbaha.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Matatandaan, gamit ang pondo ng Deparment of Public Works and Highways at city government ay itinayo ang multi-purpose building sa Brgy.Old Cabalan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ilan sa mga magagamit dito ay ang mess hall, basketball court, stage, maraming palikuran na para sa mga babae, LGBTQ at lalaki, kwarto para sa mga mag-asawa at maraming iba pa.//Christian Andres-BNFM Olongapo