Primary gunman sa pagpatay sa radio brodkaster na si Juan Jumalon, arestado na ng mga otoridad

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang pagkaka-aresto ng primary gunman sa pagpatay sa radio broadcaster na si Juan “DJ Johnny” Jumalon.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, naaresto ang suspek na si Julito Mangumpit alyas Ricky sa Dipolog City kaninang 3:10am nang pinagsanib na pwersa Misamis Occidental at Zamboanga Del Norte PNP sa bisa ng warant of arrest sa kasong murder.

Bukod sa pagpatay kay Jumalon, mayroon pang walong outstanding warrant of arrest sa mga kasong murder, frustrated murder, direct assault at paglabag sa RA 9165.

Maalalang noong Marso ay naaaresto na rin ang dalawang kasamahan ni Mangumpit.

Sabi ni Fajardo, ang tatlo ay mga miyembro ng gun for hire.

Sa pagkakahuli kay Mangumpit ay “accounted for” na ang lahat ng suspek sa brutal na krimen, para mapanagot sa batas.

Si Jumalon ay binaril at pinatay noong November 5, 2023 habang nagpoprograma sa radyo at naka-livestream sa kanyang bahay sa bayan ng Calamba sa Misamis Occidental.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *