Isang mambabatas, nanawagan sa pamahalaan na irespeto ang panawagan ng mga drayber at operator

Nanawagan si Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas na na irespeto ang panawagan ng nga drayber at opereytor na ibasura na ang anti poor at hindi makatarungang PUV Modernization Program ng pamahalaan.

Aniya, makatwiran at malinaw ang kanilang panawagan dahil ito ay usapin ng pangkabuhayan.

Nananawagan din siya sa kongreso na magkaroon ng hearing tungkol sa PUVMP dahil hindi pa rin umano nasasarahan ang usapin.

Giit pa ni Brosas, dapat solusyunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isyu at wag ng pahirapan at pabayaan ang mahihirap nating mga kababayan.

Samantala, nanindigan naman si Transport Secretary Jaime Bautista na wala ng extension ang deadline ng consolidation.

Mahigit 9 na beses na umanong na extend ang deadline kaya dapat ng ituloy ang programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *