Isang jeep na galing kasalan, nahulog sa bangin; 43 na katao, sugatan

Sugatan ang 43 na katao matapos bumaliktad ang mahulog sa bangin ang sinasakyang jeep sa Barangay San Roque, Enrile, Cagayan.

Inihayag ni Mayor Miguel Decena Jr na galing sa isang kasalan sa City of Ilagan, Isabela ang Jeep sa ang 43 na katao at nakatakdang umuwi sa Barangay Maddarulug nang mangyari ang insidente.

Lumalabas sa imbestigasyon na hindi umano gumana ang preno ng jeep at overloading ito na nagsanhi ng pagkahulog sa bangin na mayroong tatlo hanggang limang talampakan ang lalim.

Rumesponde ang mga kawani ng Task Force Lingkod Cagayan, Rescue 101, Sta. Maria MDRRMO at iba pang mga rescuers at law enforcement agencies.

Ang mga biktima na nagtamo ng iba’t-ibang sugat sa kanilang katawan ay agad na isinugod sa pagamutan upang lapatan ng kaukulang lunas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *