Pagbabalik sa water at power supply sa Cebu matatagalan pa

Aminado ang Metropolitan Cebu Water District (MCWD) na hindi nila kayang maibalik sa lalong madaling panahon ang suplay ng tubig lalawigan dahil sa pinsalang idinulot ng bagyong Odette.

Sa isang pahayag sinabi ng MCWD na posibleng abutin pa ng dalawang linggo ang pagkumpuni ng mga nasirang tubo.

Read More:  Rep. Pulong calls for fair impeachment trial of VP Sara

Sa panig naman ng Visayan Electric Company, sinabi nitong sa kabila ng kagustuhan nilang maibalik agad ang suplay ng kuryente hindi nila ito kakayanin dahil sa laki ng danyos ng bagyo.

Read More:  Sandiganbayan denies Revilla’s request to attend brother’s wake

Kailangan umanong ma-clear ang lahat ng linya bago maibalik ang power suplay sa lugar.

Tiniyak naman ng dalawang kumpanya na ginagawa nila ang lahat upang maibalik ang suplay ng tubig at kuryente upang kahit paano’y makapag-pagaan sa pasanin ng mga biktima ng kalamidad.