Tumulong ang mga presidential aspirants sa 2022 elections sa relief efforts para sa mga biktima ng Bagyong Odette.
Si Vice President Leni Robredo, ginawa ang kanyang campaign headquarters bilang relief operations center para sa mga nais na magbigay ng pagkain, tubig at ibang goods para sa mga biktima ng bagyo.
Si Senator Manny Pacquiao naman, nagpadala ng planeload ng relief goods sa Cebu, nangako ng mas marami pang humanitarian aid para sa iba pang typhoon-stricken regions, at magpapadala ng generators na maaring magamit sa pagcharge ng mobile phones sa ilang mga bayan.
Kaugnay nito, naglunsad naman ni Manila Mayor Isko Moreno ng donation drive para sa relief goods na ipapadala sa Odette-hit areas.

Samantala, ang tandem na presidential aspirant Bongbong Marcos at vice presidential bet Sara Duterte ay nagbigay ng P6 million na halaga ng financial assistance at P8.5 million na halaga ng relief goods para sa major provinces na tinamaan ng bagyo. //MHEL PACIA-TRINIDAD