Isinailalim sa restrictive custody ang apat na mga personnel ng Taguig City Police Station dahil sa kanilang pagkakadawit umano sa robbery, sa isang Japanese expat at ng kanyang Filipina partner sa Pasig City.
Sinasabing sina PSSG Jayson Bartolome, PCpl Merick Desoloc, PCpl Christian Jerome Reyes, at Patrolman Kirk Joshua Almojera ay isinailalim sa kustudiya, dahil kabilang umano sila sa pitong suspek sa pagnanakaw kay Joana Marie Flores Espiritu at Kani Toshiro ng P30 million, maging ng mobile phone.
Batay sa report, tumakas ang mga suspek sa pamamagitan ng motorsiklo, pero nakipagbarilan sa mga responding units na naging dahilan ng pagkakasugat ni Bartolome at pagkamatay ng isa pang suspek.

Samantala, ang commander naman ng Taguig City Sub-Station 1 ay isinailalim rin sa administrative relief para maiwasang maimpluwensyahan ang nagpapatuloy na imbestigasyon.// MHEL PACIA-TRINIDAD