DSWD, nakipag-ugnayan sa militar para sa delivery ng family food packs

Nakipag-ugnayan na ang Department of Social Welfare and Development sa militar para sa transportasyon ng family food packs sa mga lugar na labis na naapektuhan ng Bagyong Odette.

Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, humiling na sila sa Philippine Air Fordce at Philippine Coast Guard ng magagamit na air at sea assets para sa delivery ng family food packs sa mga island municipalities.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Ipinunto ni Dumlao na sa tulong ng naval assets ay maihahatid nila ang mga prepositioned goods na nasa Surigao City papunta sa mga apektadong lugar.

Samantala noong linggo ay naiulat ni Dumlao na nasa mahigit 270,000 na indibidwal o 74,000 na pamilya sa mga rehiyon ng Caraga, Eastern at Western Visayas, at Mimaropa ang nanunuluyan sa mahigit 2,000 evacuation centers.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Meron naman 28,000 na indibidwal o 7,000 pamilya ang napaulat na pansamantalang nanatili sa kanilang mga bahay.