Presyo ng noche buena items, ‘di tataas ayon sa DTI-12

KORONADAL CITY — WALANG pagtaas sa presyo ng karamihan sa mga noche buena products habang bumaba naman ang presyo ng ilan sa mga ito ayon sa inilabas na listahan ng suggested retail price o SRP ng mga noche buena items.

Ang nasabing SRP ang magigng gabay ng mga mamimili sa pagbili ng mga produlktong madalas hinahanda sa selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

Kabilang sa mga produktong sakop ng inilabas na SRP ay ang hamon, keso de bola, sandwich spread, mayonnaise, spaghetti noodles, elbow at salad macaroni, spaghetti at tomato sauce, at all-purpose cream.

Paalala naman ni DTI-12 Regional Director Jude Constantine Jaugan sa mga mamimili na iwasan ang panic buying sa pamamagitan ng pagkakaroon ng grocery list at pag-check sa SRP bago pumunta sa mga pamilihan.

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Ang kompletong listahan ng Noche Buena SRP ay makikita sa DTI website na www.dti.gov.ph at sa DTI Region 12 page.