Mahigit 20k na 12 yrs. old and above inaasahang mababakunahan sa 2nd day ng bakunahan sa Albay

LEGAZPI CITY – Marami rami rin ang nagpabakuna sa Albay Astrodome sa ikalawang araw ng bayanihan bakunahan ng National Vaccination Day.

Ayon kay Dr Estela Zenieth, ang head ng Provincial Health Office sa nasabing lalawigan, inaasahan ng mga ito na darating o magpapabakuna sa lugar ay mahigit kumulang sa 20K katao magmula sa 12 anyos pataas.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Katulong rin ng mga ito sa pagbabakuna ang mga volunteers tulad ng Albay Medical Society, Nurses Association Albay Chapter, PNP, AFP at iba pang sektors.

Hindi lang ang nabanggit na lugar ang nagkakaroon ng pagbabakuna sa mga nasabing edad maging ang 15 munisipyo at tatlong lungsod sa Albay ay nagsasagawa rin ng kanilang pagbabakuna.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Kahapon sa unang araw ng National Vaccination day sa bansa nakapagtala ng mahigit sa 20K individual ang nagbakuna sa lalawigan ng Albay.

Sinabi ng opisyal, ninanais rin nito na bago magtapos ang taon 2021 ay makuha ang target population o heird immunity laban sa sakit na covid 19.