Hydroponic project sa Lake Sebu, palalakasin kontra fish kill

KORONADAL CITY- PLANO ng Provincial Environment Management Office o PEMO South Cotabato na palakasin pa Hydroponics Project sa bayan ng Lake Sebu, upang mapaigting ang eco-tourism potential nito at makatulong na maibsan ang epekto ng fish kill.

Inihayag ni PEMO Seigfred Flaviano na nakatutulong ang hydroponics sa pagpapataas sa level ng dissolve oxygen sa lake kung saan nagpaparami ng mga tilapia ang mga residente bilang kanilang kabuhayan.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Napag-alaman na ang pagbaba ng dissolve oxygen level sa lawa dahil sa sunud-sunod na pag-ulan ang nagdudulot ng fish kill kung saan tone-toneladang mga tilapia ang namamatay.

Ang hydroponics ay isang modernong paraan ng pagtatanim na hindi gumagamit ng lupa, sa halip ito ay pinapatubo sa tubig na mayroong mga nutrients.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Maliban dito, bumili din ang PEMO ng dissolve oxygen meter para sa monitoring ng dissolve oxygen level sa lake.

Ayon kay Flaviano na magsasanay sila ng mga tao sa lugar sa paggamit nito upang makapagsagawa ang mga ito ng early harvest ng mga tilapia kung kinakailangan.