Expose sa umano’y PCSO corruption – motibo sa pagpatay kay Barayuga

Naniniwala si Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel na may kinalaman sa pagsisiwalat ng korapsyon ang motibo sa pagpatay sa dating board secretary ng Philippine Charity Sweepstakes Office na si Wesley Barayuga.

Ayon kay Pimentel, bago mangyari ang krimen noong July 30, 2020 ay nakikipag-ugnayan sa National Bureau of Investigation si Barayuga upang paimbestigahan ang umano’y mga katiwalian sa loob ng PCSO.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada calls DOJ plunder recommendation ‘unjust’

Nakahanda na aniya ang lahat ng dokumento at handa nang tumestigo si Barayuga laban sa korapsyon, illegal practices at maging sa operasyon ng Small Town Lottery sa PCSO.

Malinaw umano na pinipigilan ni Garma si Barayuga na tumestigo laban sa kanya kaya siya ipinapatay kina Lt. Col. Santie Mendoza, dating Corporal Nelson Mariano at ang itinuturong hitman na si alyas “Loloy”.

Read More:  OSG seeks dismissal of Marcos drug test petition

Kumbinsido si Pimentel na nagtatago lamang si Garma sa likod ng inosente at emosyonal na itsura ngunit ang totoo ay wala umano itong awa.

Sa katunayan, binanggit ng kongresista na bukod sa pinapatay na tatlong Chinese nationals sa Davao Prison and Penal Farm ay mayroon ding 198 individuals na namatay sa Cebu City sa ilalim ng panunungkulan ni Garma bilang hepe ng pulisya.