Presyo ng mga Noche Buena products, tumaas na

KORONADAL CITY- TUMAAS na ang presyo ng mga Noche Buena products na minomonitor ng Department of Trade and Industry (DTI) South Cotabato halos dalawang buwan bago mag Pasko.

Ayon kay Senior Trade and Industry Development Specialist Elbert Capecio na nasa 3% hanggang 10% ang itinaas sa presyo ng mga Noche Buena items katulad ng cheese, pasta, creams, gatas at iba pa.
Ngunit ayon sa opisyal na may ibang brands na hindi nagtaas ng presyo na maaaring pagpilian ng mga consumers.

Read More:  Nine injured as Canlaon City booth burns at Buglasan Festival in Dumaguete
Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Ang increase ayon kay Capecio ay pinayagan ng DTI dahil tatlong taon na ang mga ito na hindi nakapagpatupad ng price increase bunsod ng pandemic at dahil na rin sa kulang na mga raw materials at supplies.