Pagproseso sa sahod, bonus ng mga empleyado sa kapitolyo, pinabibilisan ni Gov. Tamayo

KORONADAL CITY- PINABIBILISAN na ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr ang pagproseso sa mga bonus ng mga empleyado sa kapitolyo.

Noong Lunes, inatasan na ng gobernador ang mga in-charge na tapusin na ang payroll para sa sweldo, bonus at performance-based bonus ng mga empleyado ngayong linggo.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Ito ay dahil sa paparating na long weekend sa paggunita ng Undas.

Inihayag ni Tamayo na kailangang maibigay na sa mga empleyado ang kanilang 13th month pay sa November 15.

Read More:  PDEA, police dismantle alleged drug den in Davao del Sur

Umapela naman ang opisyal sa lahat na suklian ang natanggap na benepisyo ng tama at tapad na pagseserbisyo.