Presyo ng karne ng baboy sa Batangas City, bumaba

Posibleng bumaba ng ₱30.00 kada kilo ang presyo ng karne ng baboy sa Bagong Palengke sa Batangas City.

Ayon kay, Eileen De Castro, ang market administrator, epekto ito ng pagbaba ng presyo ng live weight o sa buhay na baboy.

Read More:  11 arrested in suspected drug den raid in Maguindanao del Sur

Kahapon, naglalaro sa ₱320.00 hanggang ₱340.00 ang presyo ng kada kilo ng karne ng baboy.

Read More:  Over ₱700,000 in gadgets stolen from Cebu shop, two suspects arrested

Ngayong araw ay inaasahan itong aabot sa ₱310.00 na lamang.

Kaugnay nito ay ikinatuwa ng ilang magtitinda ang unti-unting pagsigla ng bentahan ng karne ng baboy sa naturang palengke.