Pagtutulungan sa lahat ng sektor, ipinanawagan ng PNP para sa matagumpay na BSKE

Ipinanawagan ngayon ng Philippine National Police ang pagtutulungan sa lahat ng sektor ng lipunan para sa isang matagumpay na Barangay at Sangunian Kabataan Election (BSKE).

Ang panawagan ay ginawa ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa flag raising ceremony sa Camp Crame kaninang umaga, dalawang linggo bago ang BSKE sa October 30.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Hinimok ni Gen. Acorda ang publiko na itaguyod ang sense of duty, integridad, at fairness sa darating na eleksyon.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang PNP Chief na sa pamamagitan ng malakas na suporta ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Education (DepEd), Commission on Elections (COMELEC), Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Transportation (DOTr), Dept of Information and Communications Technology (DICT), Civil Society, simbahan at partner agencies, ay magtatagumpay ang bansa sa pagtataguyod ng demokrasya ngayong nalalapit na halalan.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple