Presyo ng gulay, mataas pa rin

Aminado ang Department of Agriculture (DA) na mataas pa rin ang presyo ng ilang gulay, kabilang ang mga highland vegetables at gulay tagalog.

Ayon kay Agriculture Spokesperson at Assistant Secretary Arnel De Mesa, apektado pa rin ang produksyon ng gulay sa mga nagdaang kalamidad, pabago-bagong panahon, at mga pag-ulan.

Ang presyo ng ilang piling gulay ay tumaas ng P20 hanggang P40.

Aabot sa presyong P180 ang kada kilo ng Carrots; P100 sa kalabasa; P80 pesos sa repolyo; P200 sa bell pepper; P140 sa Baguio beans; P100 sa talong; at nananatili naman ang kamatis sa P180 kada-kilo.

Samantala, umaasa ang ahensya na unti-unting bababa ang presyo ng mga gulay, lalo na ang kamatis dahil nagsimula na umano ang anihan.

Sa sandaling umabot umano ang suplay ng gulay sa Metro Manila, mararamdaman na ang pagbaba ng presyo ng gulay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *