Ikatlong leg ng Bagong Pilipinas Media Engagement and Workshop, umaarangkada na

Nagsimula na ngayong araw ang Build Better More Forum na bahagi ng ikatlong leg ng Bagong Pilipinas Media Engagement and Workshop na inorganisa ng Presidential Communication Office o PCO.

Tampok sa BBM Forum na isinasagawa sa New Clark City ang mga Infrastructure Program ng pamahalaan.

Sa unang araw ng forum, ang Department of Public Work and Highways o DPWH, Department of Tourism, at ang Public-Private Partnership Center ang mag pe-presenta ng update sa mga infra flagship program ng Marcos administration.

Sa ikalawang araw naman naka schedule ang National Economic and Development Authority o NEDA, Department of Finance, Department of Budget and Management, Bases Conversion and Development Authority, Clark Development Corporation, at ang Subic Bay Metropolitan Authority.

Susundan ito ng Department of Energy, DICT, NIA, at ng Philippine Reclamation Authority.

Nabatid na tampok sa 1st ant 2nd leg ng Bagong Pilipinas Media Engagement and Workshop ang Food Security Cluster at ang National Security Cluster noong March at April 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *