Bagong transit lounge, binuksan sa NAIA Terminal 1

Inilunsad ng Manila International Airport Authority ang bagong transit lounge sa NAIA Terminal 1.

Katuwang ang Philippine Airlines, ang transit lounge ay matatagpuan sa pre-departure area katabi ng OFW Lounge.

Bubuksan ito sa loob ng dalawampu’t apat na oras na may layuning magkaroon ng maginhawang lugar ang mga pasaherong may connecting flights.

Sa ilalim ng partnership agreement, ang maintenance at operasyon ay pangangasiwaan ng MIAA habang ang PAL ang magbibigay ng amenities tulad ng komportableng mauupuan, charging stations, shower facilities at amusement options.

Sinabi ni MIAA General Manager Eric Ines na kumpiyansa silang matutuwa ang mga biyahero sa pasilidad habang naghihintay patungo sa destinasyon.

Ipinaliwanag naman ni PAL President at Chief Operating Officer Stanley Ng na bahagi ng kanilang adbokasiya ang makipagtulungan sa industry partners upang matiyak ang ginhawa para sa mga pasahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *