Presyo ng gasolina sa Camarines Norte pumalo na sa  mahigit P87 dahil sa panibago na namang pagtaas ng mga produktong petrolyo

CAMARINES NORTE- Umaaray na ang mga driver lalo na ng mga pampublikong sasakyan dahil sa panibago na namang dagok bunsod ng walang humpay na pagtaas ng mga produktong petrolyo.

Sa pag iikot ng Brigada News FM Daet sa ilang mga gasolinahan sa lalawigan nitong Martes, napag alamang pumapalo na sa hanggang mahigit P87 ang presyo ng gasolina habang mayroon namang diesel na mahigit P88 na ang kada litro.

Sa Shell Mancruz nasa P84. 19 ang kada litro ng kanilang Fuel Save diesel,  P88. 19 sa V- power diesel, P86. 84 sa fuel save gasoline at P87. 84 naman sa V power gasoline.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

Sa Caltex P83. 20 ang kada litro ng diesel,  P85. 85 sa silver at P86. 35 sa Platinum.

Ganito rin ang presyuhan sa katabing Seaoil gasoline station para sa kanilang  Exceed diesel, Extreme U at Extreme 95.

Pareho rin ang presyuhan sa Ptt gasoline station para naman sa kanilang BlueDiesel, Blue Gasoline 93+ at Blue Gasoline 95+.

Read More:  ₱15.6-million worth of shabu seized in Davao City buy-bust operation

Wala ring  pinagkaiba ang presyuhan sa Petron Pandan para naman sa kanilang diesel, Extra Advance at XCS habang ang kanila namang Turbo diesel ay pumapalo na sa P85. 20.

Pareho rin ang presyuhan sa katapat nitong Phoenix petroleum para sa kanilang diesel, Super unleaded at premium.

Hirit naman ng tricycle sector ng Daet sa gobyerno na ibigay na sa kanila ang fuel subsidy.

Hanggang ngayon daw kasi ay wala pa silang natatanggap kahit matagal na silang nagsumite ng mga kinakailangang rekisitos.