Isang centenarian sa Olongapo tumanggap ng cash gift mula sa DSWD

Personal na inihatid ng Olongapo City Government sa isang centenarian sa lungsod ang cash gift mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Iniabot ni Mayor Rolen Paulino Jr., CSWD at DSWD ang cash gift na 100,000 pesos para kay lola Filomina Valdez ng Bgy. Mabayuan.

Read More:  Cebu sinkhole under close watch as Bogo City officials restrict access

Sa ilalim ng Centenarian Act of 2016, ang sinumang umaabot sa edad na isandaang taong gulang o higit pa ay makatatanggap ng isandaang libong pisong cash mula sa National Government.

Read More:  Man stabbed by neighbor in Dapitan City

Ito ay bilang pagkilala na rin sa kanilang naging ambag sa lipunan at makatulong sa iba pang pangangailangan matapos maabot ang nasabing edad.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO