CAMARINES NORTE- Umaabot sa 438, 275 Cam Norteños na ang nakarehistro sa Philippine Identification System (PhilSys).
Hanggang noong Mayo 31, 2022 ay karagdagang 45, 840 ang nairehistro sa iba’t- ibang lugar sa lalawigan.
Noon ding nakaraang buwan ay tinungo ng PSA ang mga islang Barangay ng Mercedes para magsagawa ng mobile registration.
Nasa 104 ang nairehistro sa Quinapagian, 83 sa Apuao at 64 naman sa Caringo.
Batay din sa ulat, nasa 46, 232 PhilSys ID na ang nai turn- over sa Post Office ng Camarines Norte.
Sa bilang na ito nasa 43, 511 naman ang natanggap na ang kani- kanilang ID habang 2, 712 naman ang nasa proseso pa ng pag deliver.
Samantala, tuloy- tuloy din ang mobile registration sa lalawigan.
Simula rin noong Hunyo 1 ay operational na uli ang 14 na LGU- Based Registration Centers kung saan 13 dito ay operational mula Lunes hanggang Sabado alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
Narito ang 14 na LGU- Based Registration Centers:
Basud 2F Old Municipal Hall, Poblacion 1, Basud, CN
Capalonga GF Municipal Hall, Capalonga CN
Daet (LGU- Based) GF Municipal Hall, Daet, CN
Daet (PSA Office) LJR Bldg III, J. Lucban St.,Brgy III, Daet, CN
Daet (Mall Based) 3rd Floor SM City Daet, Vinzons Ave, Lag-on, Daet, CN
San Lorenzo Ruiz (will operate on July 2022)
Jose Panganiban GF Municipal Hall, MCRs Office, Jose Panganiban, CN
Labo Brgy. Hall, Gumamela, Labo, CN
Mercedes GF Municipal Hall, Mercedes, CN
Paracale GF Municipal Hall, Paracale, CN
Santa Elena 2F DICT Bldg. Municipal Hall Compound, Sta Elena, CN
San Vicente GF Municipal Hall, MCRs Office, San Vicente, CN
Talisay 2F Senior Citizens Bldg, Poblacion, Talisay CN
Vinzons 2F Old Police Station Bldg., Brgy II, Vinzons, CN
