Presyo ng gasolina sa Camarines Norte naglalaro na sa P61 hanggang P66 kada litro

CAMARINES NORTE- Naglalaro mula P61 hanggang P66 kada litro ang presyo ng gasolina sa mga pangunahing gasoline station sa lalawigan ng Camarines Norte kasunod ng serye ng pagtaas ng mga produktong petrolyo.

Epektibo ang price adjustment ng mga kumpanya ng langis simula kahapon, Enero 11.

Sa Shell Mancruz nasa P65. 48 ang presyo ng Fuel Save gasoline,  P66. 23 sa V- Power, P53. 10 sa Fuel Save Diesel at P57. 54 sa V-Power diesel.

Sa Seoil nasa P61. 90 ang extreme U gasoline, P62. 40 sa Extreme 95 habang ang presyo naman ng Exceed Diesel ay nasa P51. 10.

Pareho naman ang presyo sa katabi nitong Caltex kung saan P61. 90 ang presyo ng kanilang Silver gasoline, P62. 40 sa Platinum at P51. 10 naman sa Diesel.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa Ptt nasa P61. 90 ang presyo ng Blue Gasoline 93+, P62. 40 sa Blue Gasoline 95+ at P51. 10 sa Blue Diesel.

Sa Petron Centro P 61. 09 sa Xtra advance, P62. 04 sa XCS plus at P49. 85 sa Diesel max.

Sa Petron Pandan, P61. 90 sa Xtra advance, P62. 40 sa XCS, P51. 85 sa Turbo diesel at P49. 85 naman sa diesel.

Ganito rin ang presyuhan sa katapat nitong Phoenix gasoline station kung saan P61. 90 sa kanilang Super unleaded, P62. 40 sa Premium at P49. 85 sa diesel.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa Shell Mantagbac P65. 48 ang Fuel Save gasoline, P66. 24 sa V- Power gasoline at P53. 10 naman sa Fuel Save diesel.

Habang sa Petro Gazz Basud ay nasa P63.00 ang presyo ng GPrime 91, P63. 90 sa GPremium 95 at P51. GDZL power.

Ayon sa Oil Industry Management Bureau wala pang nakikitang posibilidad ng pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na araw.

Nakakaapekto rin sa presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado ang mga nangyaring geo- political conflict na nangyari kamakailan lang sa oil producing nations.