Dagsa ng mga deboto sa Peñafrancia Festival  , pinaghahandaan na ng PNP sa maagang panahon

NAGA CITY- Sa maagang panahon nagiging sentro na ng mga usapin ang Peñafrancia Festival sa Naga City.

Sa mga tanggapan sa City Hall, sa mga pagpupulong sa security clusters pati sa health offices. Sa parte ng Naga City Police Office kahit mahigit dalawang buwan pa bago ang  malaking okasyon sa Bicol Region, inuunti-unti na nila lalo na’t dalawang taong wala ng nasabing dinarayong religious event sa bansa.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sa kasalukuyan mayroong mahigit 800 na mga personahe ang NCPO,  tinitinggan na nila kung kakayanin na ito o kung mag rerequest pa ng dagdag.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Sa press conference , binanggit ni City Director PCol. Nelson Pacalso na malaking hamon ito, batid kasi ng PNP na maninibago ang mga deboto mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.