Presyo ng diesel sa Camarines Norte namumurong umabot sa P100 kada litro

CAMARINES NORTE – Namumurong umabot sa P100.00 ang presyo ng kada litro ng diesel sa lalawigan ng Camarines Norte kung magtutuloy- tuloy pa ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa ngayon kasi ay naglalaro na sa mahigit P94 hanggang P97. 24 ang kada litro ng diesel  habang P89. 80 hanggang P91. 29 naman ang kada litro ng gasolina.

Kasunod yan ng panibago na namang oil price hike na ipinatupad nitong Martes, Hunyo 28.

Sa Shell Mancruz nasa P92. 25 ang presyo ng kada litro ng Fuel Save Diesel, P97. 24 sa V Power diesel, P 89. 30  sa Fuel save gasoline at P91. 29 sa V Power gasoline.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa Seoil P92. 25 ang kada litro ng diesel, P89. 30 sa Extreme U gasoline at P89. 80 sa kanilang Extreme 95.

Ganito rin ang presyuhan sa Ptt gasoline station para naman sa kanilang BlueDiesel, Blue Gasoline 93+ at Blue Gasoline 95+.

Wala ring  pinagkaiba ang presyuhan sa Petron Pandan para naman sa kanilang diesel, Extra Advance at XCS habang ang kanila namang Turbo diesel ay pumapalo na sa P94. 25.

Pareho din ang presyuhan sa katapat nitong  Phoenix petroleum para sa kanilang diesel, Super unleaded at Premium.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Habang sa Petro Gazz Basud naman ay nasa P92. 05 ang diesel, P87. 05 sa kanilang Prime 91 at P87. 55 sa Premium 95.

Hirit ngayon ng transport sector partikular ng tricycle na ibigay na ang subsidiya mula sa national government.

Dati na ring sinabi ng Fetoda na pinag- aaralan nila ang pagsasagawa ng tigil pasada.

Ang mga mangingisda naman ay naghihintay na ng kanilang fuel subsidy mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.