Operasyon ng e- Sabong sa Camarines Norte tututukan na rin ng BIR

CAMARINES NORTE- Tututukan na rin ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang operasyon ng e- Sabong o mga talpakan sa lalawigan ng Camarines Norte.

Kasunod yan ng inilabas na Revenue Memorandum Circular No 25- 2022 ni Commissioner Caesar Dulay na may petsang March 11, 2022 na nagtatakda ng Taxability ng regulated electronic sabong ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR).

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon na maliban sa obligasyon ng e- sabong operators sa PAGCOR ay mayroon din umano ang mga itong obligasyon sa BIR.

Aniya, kailangang magbayad ng annual registration fee, percentage tax at dapat mag maintain ng libro at resibo.

Alinsunod sa naturang circular subject sa five percent franchise tax ang gross earnings ng online cockfighting operators.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Hiwalay ito sa five percent franchise tax na kinokolekta ng PAGCOR mula sa E- Sabong licensee.

“Ang mga online sabong na ito although regulated ng PAGCOR kala natin hindi kami ano, subject po sila mag register sa BIR, paid the corresponding tax,” ani De Leon.

“Income tax and percentage tax kasi dito nasabing parang may five percent din silang bayaran sa ano sa PAGCOR, siyempre kung may withholding tax sila dun, yung withholding tax na yun pwede namang ibawas sa income tax na babayaran niya sa BIR.”

Sa ngayon ay wala pang kahit limang e- Sabong operator ang dumadaan sa BIR sa kabila nang laganap na ito ngayon sa buong lalawigan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

“Parang nasa tatlo pa lang yung dumadaan sa amin kasi naman siyempre ngayon lang talaga ito, lalo itong Memorandum namin na ito, March 11 lang.”

Naghihintay pa umano ang Revenue District Office No 64 sa mga operator ng talpakan na ayusin ang kanilang obligasyon sa BIR dahil bago pa lamang  naman na ipinalabas ang Revenue Memorandum Circular ukol dito.

Kaugnay nito ay hinimok ni De Leon ang e- Sabong operators sa lalawigan na agad ayusin ang kanilang obligasyon sa BIR bago pa sila maglunsad ng tax mapping.

“Naghihintay pa kami ng mga registrants pero in case na talagang nakita namin na marami diyan talagang nagsulputan eh gagawa na rin kami ng paraan para mapuntahan sila ng ating mga tauhan.”