Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa, dumoble

Doble ang itinaas ng presyo ng mga bulaklak sa Dangwa dahil sumipa na rin ang demand nito ngayong Undas.

Ang Carnation mula P180 hanggang P200 per bundle ay naging P300 na kada bundle.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Habang ang Gerbera naman ay P350 kada bundle mula sa P180 hanggang P200 nitong presyo.

May umento ng P150 per bundle ang Orchids at Malaysian Mums gayung P350 na ang kada bundle nito.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Samantala, ang local rose ay P400 kada kalahating dosena at ang imported roses naman ay P1,200 per bundle.

PHOTO COURTESY: MIKE ALQUINTO (PNA)