BSKE 2023 sa QC, payapa at maayos – QC Mayor

Nagpasalamat si Mayor Joy Belmonte sa lahat ng nakibahagi sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Quezon City.

Ayon kay Belmonte, sumatotal naging payapa at maayos ang eleksyon sa kanilang mga barangay.

Read More:  Pope Leo appoints new spiritual leader of Diocese of Bacolod

Bukod dito, binabati rin ng alkalde ang mga QCitizens na ginampanan ang kanilang tungkulin sa pagboto.

Nagbigay rin ng pagpupugay ang Manila Mayor sa mga guro, empleyado, lokal na pamahalaan, pulis, at maging mga volunteers sa pagtiyak ng kaayusan sa buong eleksyon sa bawat distrito ng lungsod.

Read More:  Residents complain of foul odor from mango company in Malandag

Sa huli, hiling ni Belmonte sa mga nanalo sa baranggay election na suklian nito ang tapat at maayos na pamamalakad sa kani-kanilang mga barangay.