Presyo ng agricultural products isasama ring imomonitor ng DTI

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Trade and Industry na maaari pa rin nilang i- monitor ang presyo ng iba pang mga produkto na labas sa kanilang hurisdiksyon.

Sinabi sa Brigada News FM Daet ni DTI Provincial Information Officer Gary Rafanan na pwede ring magpaabot ng sumbong sa kanilang opisina kung mayroong mga concern sa ibang mga produkto tulad ng agricultural products.

Read More:  ₱799M illegal cigarette operation uncovered in Negros Occidental; 10 Chinese arrested

Aniya, mayroon silang Inter- agency para sa price monitoring para sa anumang concern na matataggap ng DTI.

Maaari umano silang makipag ugnayan sa Department of Agriculture, Office of the Provincial Agriculturist para sa anumang concern sa agricultural products  at sa Food and Drugs Administration.

Magagawan umano ito ng aksyon sa pamamagitan ng pagbuo ng joint inspection team.

Gayunman, nilinaw ng DTI na nakatuon ang kanilang pansin ngayon sa mga magpapaabot ng sumbong o reklamo sa mga noche Buena products at basic necessities.

Read More:  Altermidya condemns killing of its Negros coordinator RJ Ledesma

Hinimok ng DTI ang mga consumer na kung mayroong reklamo ay pwedeng makipag ugnayan sa pamamagitan ng kanilang face book page at kanila umano itong aaksyunan.

Paalala lang sa mga consumer na dapat mayroong proof of purchase para sa nararapat na aksyon.