Aktibong kaso ng COVID-19 sa Catanduanes, nasa 13 na lamang; 2 recoveries, naitala kahapon

BNFM BICOL– Nasa 13 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes.

Batay sa pinaka latest na tala ng ahensya kahapon, walang naitalang bagong kaso ng sakit ang lalawigan kung kaya’t nananatili sa 2,759 ang kumpirmadong kaso ng sakit.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Dalawa naman ang naidagdag sa bilang ng mga gumaling kung kaya’t umabot na sa kabuuang 2,625 ang COVID-19 recoveries sa Catanduanes.

Samantala, wala namang naidagdag sa bilang ng mga nasawi, kaya’t nasa 124 pa rin ang death toll ng sakit sa probinsya. Kaugnay nito, patuloy naman ang paalala ng PHO sa publiko na makiisa sa nagpapatuloy na pagbabakuna at panatilihin ang pagsunod sa mga umiiral na minimum public health standards kontra sa nakamamatay na virus.###

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case