Presyo ng abaca fiber, tututukan ng PHILFIDA

SORSOGON CITY – Tiniyak ng Philippine Fiber Industry Authority (PHILFIDA) na hindi na maabuso ng mga mapagsamantalang traders ang ‘market’ ng abaca fiber sa lalawigan ng Sorsogon.

Ayon sa ahensya, isa ito sa prayoridad ng pagbubukas ng opisina sa lalawigan kung saan dapat ay maging makatarungan ang presyo kada kilo ng abaca fiber bilang isa sa pinakamahal na raw materials sa mundo.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa presyo kasi na halos P70-80.00 kada kilo sa orihinal na presyo nito, nanatiling kapos ang maraming abaca farmers dahil sa murang bihilan nito ng mga middle man at ito ang nais nang mahinto ng ahensya.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa ngayon, patuloy ang paglapit ng ahensya sa mga farmers upang makapag organisa ng mas maayos na sistema ng pagbebenta ng mga fibers na direktang bibilhin ng gobyerno sa tamang presyo.

PHOTO: Google