Presong nagpanggap na engineer, nang-blackmail ng ka-chat na OFW

KORONADAL CITY- BINAWALAN munang makalabas sa kanyang selda ang inmate sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center o SCRDC na nagpanggap na isang engineer at nang-blackmail sa ka-chat nitong Overseas Filipino Worker o OFW.

Ito ang inihayag ni OIC Jail Warden Lory Celeste habang hinihintay pa ang pormal na reklamo laban sa bilanggong si Reggie Joquiño, 48 anyos, residente ng Koronadal City at nahaharap sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Ayon kay Celeste, inireklamo si Joquiño ng chatmate nito na isang OFW matapos itong magbanta na ikakalat ang mga private pictures at videos nito kung hindi magbibigay ng P 30,000.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Mariin namang itinanggi ng inmate ang naturang akusasyon.

Sa katunayan, ito pa raw umano ang hinuhuthutan ng pera ng OFW sa paniniwala na isa itong engineer at maraming pera.

Iniimbestigahan na rin ng pamunuan ng SCRDC ang jail guard na nagbigay ng cellphone sa nasabing bilanggo.

Inihayag ni Celeste na mahigpit na ipinagbabawal ang cellphone sa mga inmates at naniniwala ito na may kinalaman ang mga jail personnel sa pagpuslit ng cellphone sa loob ng selda.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Ayon sa opisyal na may ipinatutupad na E-Dalaw program sa loob ng jail na nagbibigay ng pagkakataon sa mga bilanggo na makausap ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng video call at tawag gamit ang limang cellphones sa naturang pasilidad.

Ang E-Dalaw ay libre sa lahat ng inmate ngunit limitado lamang ang oras na ibinibigay sa mga ito.