Preso, patay sa pananaksak ng kapwa preso sa SoCot prov’l jail


KORONADAL CITY — PATAY ang isang preso matapos sinaksak ng kapwa preso sa loob ng South Cotabato Rehabilation and Detention Center o SCRDC.
Ito ang kinumperma ni Lory Celeste, OIC Jail Warden ng SCRDC sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.
Kinilala ni Celeste ang namatay na preso na si Jaymark Kita, 23 anyos, may asawa, residente ng Sitio Salkan, Barangay Paraiso, Koronadal City.
Dalawa naman ang suspek sa krimen na kinilala nitong sina Nathaniel Sunga, 28 anyos, may asawa residente ng Barangay GPS at Leone Enamarga, 45 anyos, single at kapwa mga preso ng South Cotabato Provincial Jail.
Hindi umano pagkaka-unawaan ang dahilan ng away ng tatlo matapos ang nangyaring greyhound operation noong Sabado.
Isang improvised na patalim umano ang ginamit ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.
Dahil sa insidente, mahaharap umano sa dagdag na kaso ang dalawang bilanggo.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu
Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros