Preso at jail guard sa South Cotabato Provincial Jail, nag-positibo sa Covid-19

KORONADAL CITY — ISANG preso at isang jail guard ng South Cotabato Rehabilitation and Detention Center sa Koronadal ang nag-positibo sa coronavirus disease o Covid-19.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Provincial Jail Warden Felicito Gumapac, ipinaliwanag nito na Mayo 24 dinala sa ospital ang hindi na pinangalanan preso dahil sa asthma.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ngunit sa resulta ng swab test nitong lumabas, Miyerkules ng gabi, nag-positibo ito sa Covid-19.Dahil dito, agad na sisimulan ang swab testing sa mahigit 20 inmates na nakasalamuha ng nabanggit na preso sa loob ng selda nito.

Hindi naman maipaliwanag ni Gumapac kung saan nakuha ng preso ang virus dahil walang pinahihintulutang dalaw at malayo din umano ang selda nito sa post ng jail guard na una ding nag-positibo sa Covid-19.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa kaso naman ng nag-positibong jail guard, isasailalim din sa swab testing ang anim na mga kasamahan nito.