Presidential Office for Child Protection – itinatag ni PBBM

Naging emosyonal, garalgal ang boses at napabuga pa ng hangin si Pangulong Bongbong Marcos sa ginanap na “Iisang Nasyon, iisang aksyon: Tapusin ang Online sexual abuse and Exploitation of Children summit kahapon.

Ito’t pagkatapos marinig ng Pangulo ang naging karanasan ng isang dalagita na biktima ng pang aabuso.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi nya napigilang mapaluha habang pinakikinggan ang dalagita, dahil naiisip nya kung ilan pang tulad nito ang patuloy na inaabuso at hindi nakamit ang dapat na hustisya.

Aminado rin ang Presidente na ang paglaganap ng OSAEC ay nagdudulot ng labis na kahihiyan sa kanya, dahil bilang taga Gobyerno, kulang pa raw ang kanilang ginagawa para matigil ang ganitong ilegal na aktibidad.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Kaya naman naglunsad ang Pangulo ng Presidential Office for Child Protection

Ito ang mag sisilbing epicenter ng lahat ng efforts ng pamahalaan, gayundin ang pinagsama-samang resources at strategies upang matiyak na ang bawat bata sa bansa ay protektado at nasusuportahan.