Kinondena ng Department of Justice (DOJ) ang mga “appalling violence” na ginawa ng walk-in client sa kanilang Action Center (DOJAC) kamakailan.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOJ na pwersahang pumasok ang walk-in client sa DOJAC office, at nagdulot ito ng disturbance noong July 18.
Na-‘physically assault’ din umano ang ilan nilang personnel, kasama ang program director ng center.
Maliban dito, nagtamo rin ng severe head injuries ang security guard nang atakihin ito ng mga ralyista sa isang kilos-protesta ng mga miyembro ng BAYAN Timog Katagalugan.
Sinabi naman ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remullan na nirerespeto ng estado ang karapatan ng publiko na magsagawa ng mapayapang assemble at petisyon sa gobyerno para iparating ang kanilang mga panawagan.
Pero aniya, sa ngalan ng ‘justice’ at ‘fair play,’ – ang karapatan na ito ay dapat matuldukan ‘once the right of others begins.’
Sa kaso umano ng na-assault na DOJAC personnel, binigyang-diin ni Remulla na kasabay ng pagtugon nila sa hustiya, naninindigan sila kasama ang DOJAC personnel at ng buo nilang ahensya.
Magiging ‘all-out’ din umano ang DOJ sa pagsuporta sa kanya at sa kanyang pamilya.
Sa huli, pinagtibay ng ahensya ang kanilang commitment para matiyak na ang pasaway na mga gawain ay hindi makalalampas at mapaparusahan.