President ng PFP, itinanggi ang Senatorial slate na inilabas ni Sen. Imee Marcos na ii-endorso raw ni PBBM

Mariing itinanggi ng Presidente ng Partido Federal ng Pilipinas na si Governor Reynaldo Tamayo ang Senatorial line up ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas na ibinahagi ni Senator Imee Marcos sa media kagabi.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Sa statement ni Tamayo, nilinaw nito na wala pang line up ang administrasyon para sa mga kakandidatong senador.

Ang nangyari daw noong Lunes ay pinag susumite ang iba’t ibang partido na sumusuporta sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos ng kanilang mga kandidato hanggang September 15.

Read More:  House prosecution drops Sara Duterte bribery charge

Magbibigay naman raw sila ng kanilang senatorial line up ng administrasyon pagkatapos daw na mapagpasyahan ng lahat ng kasapi ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas.