Dapat nang asahan ng Pilipinas na magtatagal pa pambu-bully na gagawin ng China sa Pilipinas.
Ito ay matapos ang pinakabagong mapanganib na aksyon ng China Coast Guard (CCG) na nakapinsala sa mga barko ng bansa.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Defense Analyst Prof. Renato de Castro, sinabi nitong asahan nang ipakikita talaga ng China na unti-unti na nitong sinasakop at inaangkin ng mga bahagi ng West Philippine Sea.
Naniniwala naman itong bagamat kailangan talaga nating mag-file ng mga diplomatic protest; hindi naman talaga ito epektibo.
Samantala, hindi rin niya nakikitang magandang hakbang ang pagpasok sa panibagong kasunduan sa Escoda Shoal dahil tila ba’y pinagbibigyan lang daw natin ang kagustuhan ng China.