Presensya ng kapulisan sa Legazpi City, paigtingin-Albay PPO

LEGAZPI-Magdagdag ng presensya ng kapulisan sa lahat ng lugar sa lungsod ng Legazpi, ito ang derektiba ng bagong provincial director ng Albay Police Provincial Office sa pagbisita nito sa Legazpi PNP.

Ayon kay PCol Richard M Aquitania, bagong Provincial Director, sa kanyang pakikipag usap sa mga tauhan ng nasabing himpilan, kanyang binigyang diin na pagtibayin ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lahat ng sulok sa lalawigan partikular na ang lungsod.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa pakikipag-usap nito kan PLTcol Dennis Balla, kanyang binigyang pansin ang pagpapaigting ng “police presence” sa nabanggit na lungsod dahil isa umano ito sa mga lugar na mga madalas puntahan ng mga tao dahil dito matatagpuan ang ang karamihan sa malalaking gusali at mga institusyon.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Kung kaya’t maliban sa masusing pagbabantay at presensiya ng kapulisan, dapat pang paigtingin ang pagsasagawa ng “patrolling” at “police presence” sa lahat ng sulok ng lungsod upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa laban sa anumang uri ng krimen at karahasan.

Kung matatandaan, nitong nagdaang araw, naitala rin sa lungsod ang sunod sunod na nakawan.