Presensiya ng Chinese Maritime Militia Vessel sa Bajo de Masinloc, tumaas; Barkong pandigma ng China, nabawasan

Sa loob ng isang linggo, tumaas ang bilang ng Chinese Maritime Militia Vessel sa Bajo de Masinloc.

Sa datos ng Philipppine Navy, mula sa 11 bilang noong June 11 hanggang June 17, naging 15 ang bilang ng CMMV mula June 18 hanggang June 24.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Maaalalang noong June 15 , ipinatupad ng China ang anti-trespassing rule kung saan kanilang aarestuhin ang mga non-Chinese fishermen na papasok sa bahgai ng karagatan ng China.

Samantala, mula sa 3 barkong pandigma ng China na ipinwesto sa Bajo noong isang linggo, bumaba na ito sa 1.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Sa pangkalahatan, kung pagbabasehan ang datos ng Navy , tumaas ang bilang ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.

Mula kasi sa 121 na bilang noong nakaraang linggo, ay bumaba tumaas ito ngayon sa 129.