Tiniyak ni NDRRMC Asec. Raffy Alejandro na handa ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno kabilang na ang Department of Social Welfare and Developlment (DSWD) sa pagbibigay ng tulong sa mga evacuees dahil sa Bagyong Betty at ang mga pag-ulan at bahang idudulot ng Habagat.
Ayon kay Alejandro – sapat ang relief items at mga food packs na inihanda ng DSWD.
Ibig sabihin, kahit na tumagal pa raw ang mga bakwit sa mga evacuation centers ng ilang araw ay hindi sila makukulangan ng suplay.

Iniulat ng Pagasa, na mabagal ang direksyon ng bagyo at posibleng tumagal pa ito sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) hanggang sa mga susunod na araw. //LGD, MHEL PACIA