PPCRV watchers bibigyang prioridad ng Comelec sa loob ng polling precinct sa darating na eleksyon

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Commission on Elections na bibigyang prioridad sa loob ng polling precinct ang watcher ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa May 2022 elections.

Ayon kay Election Officer III Annelyn Abanes ng Comelec Speaker’s Bureau, katuwang ng Comelec ang PPCRV bilang citizen arm at importante umano ang presensiya nito sa proseso ng botohan.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pinal na kautusan ang Comelec hinggil sa magiging proseso ng botohan sa May 2022 elections.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Pero ayon kay Abanes papayagan pa rin naman ang watcher mula sa political party pero lilimitahan lang ito  upang masunod ang social distancing sa loob ng presinto.

Papayagan din ang watcher mula sa Independent candidate.

May mga guidelines umanong ilalabas ang Comelec ukol dito na susundin ng bawat isa sa mismong araw ng halalan.

Ayon pa kay Abanes, bawal ang pag selfie sa loob ng presinto lalo na ang pagkuha ng larawan sa mismong balota at resibo nito.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Wala naman aniyang magiging paglabag kung magse- selfie sa labas ng presinto basta’t hindi ito makakaabala sa proseso ng pagboto.

Paalala nito na dapat panatilihing sagrado ang pagboto at hindi ito dapat gawing katuwaan lang.

Ang nakasalalay umano dito ay ang kinabukasan ng bayan higit pa sa pagnanais ng iba na mag selfie at mag tiktok.