Nanindigan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na walang iregularidad sa umano’y “68:32 magic” na bumabalot sa 2022 poll.

Ang “68:32 magic” ay claim na bawat vote update, may consistent pattern na 68 percent at 32 percent ng mga boto ay napupunta kay dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Leni Robredo.
Pero ayon kay PPCRV chair Myla Villanueva, wala pa nang naitatalang iregularidad sa naturang pattern.
Sa katunayan, iniimbitahan nila ang iba pang academic institutions na tingnan at suriin ang naturang datos.