CAMARINES NORTE- Tinutukan ng nasa mahigit kumulang 2, 500 volunteers ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa Camarines Norte ang pagsisimula ng botohan hanggang sa pagtatapos ng bilangan at maiproklama ang mga nanalong kandidato para sa Halalan 2022.
Bilang citizen’s arm ng Commission on Elections malaking tulong ang PPCRV hindi lang sa komisyon kundi sa pagtitiyak ng isang maayos na halalan.
Umalalay ang mga ito sa mga botante sa pamamagitan ng Voters Assistance Desk sa bawat voting center at umupo sa Municipal Board of Canvassers upang saksihan ang transmission ng mga election returns mula sa mga presinto.
Sa pamamagitan din ng kanilang mga volunteer sa field ay naipaparating sa mga kinauukulan ang mga aberya habang ginaganap ang botohan tulad na lamang ng pagpalya ng mga Vote Counting Machine.
Sa kaniya namang post sa facebook nagpasalamat si PPCRV Diocesan Lay Coordinator Marissa Bernardo sa lahat ng mga volunteers na nagpagod, nagpuyat at ng alay ng sakripisyo para sa bayan.
