Gurong nag-overtime sa halalan, may OT pay na – COMELEC

Tiniyak ng Commission on Elections na magkakaroon ng karagdagang honoraria ang mga gurong nagsilbi sa halalan nitong Lunes – lalo na ang mga teacher na nag-overtime para lamang matiyak ang malinis na halalan.

Ito ay makaraang makaranas ng kabi-kabilang mga berya ang mga vote counting machines at mga SD cards, dahilan para ang ilang sa mga guro ay magtrabaho nang higit sa isang araw.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ayon kay COMELEC acting spokesperson Dir. John Rex Laudiangco, magkakaroon ng additional pay ang mga gurong ito.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Bagamat hindi pa tinukoy kung magkano ang kanilang mga matatanggap, makasisiguro aniya ang mga teachers na mayroon silang karagdagang benepisyo.

Tiniyak din ni Laudiangco na mamadaliin nila ang distribution ng honoraria at pasok ito sa 15 day na timeframe – alinsunod sa batas.
#